Recent update

Subscribe to RSS feed

odd or even?

August 10th, 2005 by fountainpen

sayang nga ba? o tama lang?… ito ba ay magmimistulang one-hit-wonder? o graceful exit?

parang uminom ka at nalasing.. at pagkatapos ng hang-over ay ayos ka na ulit.. parang isang kantang nauso ngunit nung naglaon ay nakakasawa na… parang celphone na akala mo "nandun na lahat" ngunit nde pa pla yun ang hinahanap mo… parang isang halaman o bulaklak na kapag napabayaan ay nalalanta at dahan dahang natutuyo… ganun din kaya ito? ang isang damdamin na kapag nde na nabibigyan ng pansin ay unti unting nawawala at sa kalauna’y maglalaho?

bakit kung kelan may desisyon ka na at pinakatawanan mo na ito… may mga bagay na biglang eepal at biglang guguluhin ang desisyon mo… ito ba ay ang tinatawag nilang ‘change’? bakit kung kelan desidido ka na sa mga gagawin mo at direcho na ang tatahakin mo at alam mong wlang kahit anong sagabal sa daan…. biglang magkakaron ng ‘detour’ upang mailayo ka sa pupuntahan mo… prang mga nakakainis na operator na ihohold ka sa line at paghihintayin ka na nde mo man lang alam kung makakausap mo ba tlga ang kakausapin mo o hindi… isang malaking hassle ang mga pangyayaring umeepal ang mga insidenteng ayaw mo ng ma-engkwentro… parang isang napakasarap na paguusap sa telepono na maiistorbo dahil lamang sa callwait… parang nawawala ka sa momentum…

mejo malapit na nga akong maniwala sa yinyang eh… sa lahat ng mga bagay na ‘bigtime’ sakin na ginagawan ko ng paraan ay may malaking porsyento na nde magtatagumpay… ewan ko ba kung bakit… napakasaklap nmn.. pero kapag isinantabi ko ang mga ‘bigtime’ isyus na ito.. ay kusa itong lumalapit at nagagawan ng solusyon…. kamanghamanghang mga pangyayari.. ngunit kung alam lang nya.. sinisira nya ang araw ko…. mga bagay na nde ko na iniintindi ay kusang nagpapapancin at pawang nang-aasar… malalaman mo na lang anjan na cya..

kapag inintindi ko na ulit ang bagay na iyon… bumabalik sa dati ang lahat.. biglang nawawala ang mga ideya at naglalaho ang mga solusyon…. parang iniwan ako sa ere…. parang uto tlga…. nde ko na maicip ang gagawin ko.. kapag ba may nararamdaman akong "e2 na cguro to" o kaya ay "it’s a sign!" o kaya nmn ay "this is the moment!!".. kailangan ba ay "go for it!" or "yeah babeh!!" o kaya ay "ok na to! cge! go!" ako? o kaya nmn ay wla lng tlga akong lakas ng loob na harapin ang mga ito.. kaya kusa itong nawawala at nalalanta…

marahil pinagbibigyan ako ng panahon na gawin muli ang mga bagay na aking sinasadyang iwanan.. marahil binibigyan nya ako ng ‘chance’ na ipakita sa sarili ko kung ano ba tlga ang kaya kong gawin… pero parang sobrang dami na nyang binigay na chance sa akin.. pagbigyan nya kaya ulit ako? ngayong nakapagdesisyon na nmn ako na manahimik at magsantabi… parang pupunta muna ako sa library para magresearch at wag sumama "kung san masaya"…. maspinili ko ang sopas kesa sa heavy meal… maspinili ko ang maubusan ng internet card kesa sa gamitin ang internet ng lasalle… masninais ko ang bumili ng mumurahing ballpen kesa ang kunin ang mamahaling ballpen.. mas-ok na sakin ang "LOA" kesa ang "magenrol" muli…

Posted in teleserye | | |


2 Responses to ' odd or even? '

Subscribe to comments with RSS

  1.   Jong said,

    on August 15th, 2005 at 10:48 am

    i can feel it.. hehehe

  2.   chad said,

    on August 15th, 2005 at 9:51 pm

    eh bakit “i can feel it”? hehhe… bakit feel na feel yung entry!? heheh…

Leave a reply


Categories

Archives

Meta