Recent update

Subscribe to RSS feed

ang pangarap

November 22nd, 2005 by fountainpen

bakit kapag humihingi ako ng isang bagay.. o kaya nmn isang pagkakataon.. may 50% chance na mangyari ang kabaligtaran nito… at may mataas na probabilidad na mangyari ang kabaligtaran… kapag ako ay humiling ng isang bagay.. madalas nde ko ito makuha.. kapag humingi ako ng isang pangyayari.. madalas ito ay nde nangyayari.. kapag huminig ako ng isang tao.. ibang tao ang napupunta sakin… kapag hiningi ko cya.. nde cya (labo)…

ano ba ang mali!? may mali ba?! tamad lang ba akong hanapin ang mga bagay na hinihingi ko? tamad lang ba akong gawin ang mga bagay na magpapaganap ng mga pangyayaring gs2 kong makamtan? tamad lang ba akong hanapin cya? katamaran nga lang ba?

libre ang mangarap… wlang makakapigil sayo sa pangangarap at pananaginip… msarap ang mangarap lalu na’t ito ay libre… may nangangarap ng gising.. may nangagarap ng mataas.. may nangagarap na maging artista.. may nangangarap maging presidente.. may nangangarap… sobrang sarap mangarap at managinip… ito ay nagbibigay ng kakaibang "high" sa isang tao na nakakapag pasaya sa knya.. nagibibigay sa knya ng inspirasyon.. dahil sa pangarap nakakagawa ang mga tao ng mga bagay na kamangha-mangha na nakakapagpalapit sa knila sa knilang pangarap… hay.. sobrang saya…

ako… simple lng nmn pangarap ko eh… yumaman lng nmn.. ayos na sakin yun.. hahahah!!! pero kung gs2 mo ng mga pangarap ko.. mejo kukulangin ang oras mo sa pagbabasa nito masmatagal lpa sa trilogy ng lord of the rings ang kwentuhan kung anu-ano ang mga pangarap ko at kung bakit ko cla pinapangarap… pero bibigyan kita ng mga ilan sa knila… isa sa mga pinakakakaibang pangarap ko ay ang… magkaron ng girlfriend na singer…. yung kumakanta… kakaiba ang tama sakin ng mga singers…. sa puso ang tama.. lalu na kapag may add-ons na "kagandahan sa panlabas na kaanyuan" at mabait.. musika ang aking hilig.. at ang mga tinig na malalamig ang aking kahinaan…. para bang mapapasunod mo ako sa mga tinig mong umaawit… kaya ko nmn gs2 yun dahil…. wla pa akong naging gf na singer… heheh… mga wlang hilig s pagkanta ang mga napunta sakin.. heheh.. pero muntik na yung isa.. heheh. sayang.. heheh.. ok.. next! pangalawa sa mga wildest dreams ko ang mag-artista.. heheh.. konting pilit pa.. at konting panahon pa.. pwede na akong sumali sa bigbrother.. hehe.. cguro sa pinoybigbrother season47 pwede na akong sumali… o kaya sa "search for the pinaka-brightest star in a billion" … heheheh…. pero sobrang labu nun mangyari.. heheh.. nde tugma ang landas.. heheh..

pero ano nga ba tlga ang mangyayari kapag naabot mo na ang pangarap mo? mangangarap ka ba muli? titigil ka na lang ba? bsta mo na lang ba iiwan ang pangarap mo dahil naabot mo na ito? kapag naabot ko na yung pangarap ko… pwede na akong mamatay… self-fulfillment… yung feeling ko tapos na ang mission ko.. sarap nun!… magrerelax ka na lang.. sa totoo lang.. pangrap ko.. mapasaya ang mga tao sa paligid ko, kasama ako… ang maabot ang mga pangarap nila.. ang makita clang masaya… ang malaman na ayos cla.. ang mapangalagaan cla…. ang ibigay ang pagmamahal sa knila.. ang lahat lahat.. yun.. kapag nangyari yun.. pwede na akong mamatay… masaya na ako kapag masaya ka.. makita ka lang na ngumiti kapag may nagawa ako sayo.. feeling ko kumonek ako sayo.. feeling ko benta ako.. kung alam mo lng na kapag oras na ngumingiti ka kapag nakikita ako.. natutuwa ako.. yng mga thankyou’s mo.. masaya na ako dun.. sobrang babaw ko noh? ganun lng nmn ang pangarap ko… mababaw lang….

Posted in teleserye | | |


4 Responses to ' ang pangarap '

Subscribe to comments with RSS

  1.   '- dawn -' said,

    on November 21st, 2005 at 11:28 am

    .. ..,ang lungk0t. teka., sin0 bang auth0r.,?!! ikaw 0 ak0.,?!! feeling k0 buhay k0 laaht ng dinedescribe m0., tsktsk., peace be with y0u.,

  2.   chad ii said,

    on November 21st, 2005 at 6:47 pm

    heheh… original ko ata yan?? hehehhe… wla kse akong magawa eh.. kaialngan magtype ng mga daliri ko.. hehe.. habang may hinihintay na matapos na download.. kaya ko nagawa yan.. hehe…

    –dala ng ka-boring-an? heheheh

  3.   johani said,

    on November 25th, 2005 at 4:07 am

    chad. aksyunan ang pangarap ito ay iyong makamit!! except dun sa sinoy big brother season47.hahahaha

  4.   chad ii said,

    on November 25th, 2005 at 11:48 am

    heheheh.. bakit nmn parang ayaw mong makamit ko ang pinoybigbrother season47!? hahahah!! bka patay na ako kapag season 47.. heheh

Leave a reply


Categories

Archives

Meta