Recent update
sofa
December 22nd, 2005 by fountainpen
nde ko alam kung bakit… sa lahat ng taong nakikita ko sa araw-araw.. or nakakasama ko lagi… eh bakit cya pa ang nagpakita sa panaginip ko… nde ko maintindihan kung bakit.. bakit nga ba?!… dahil ba sa namimis ko lng cya? o kaya nmn ay nde ko na cya naalala kaya bigla cyang nagpakita sa aking panaginip?!
nakakainis ang panaginip na ito.. dahil sa nde lang ang pagpaparamdam nya ang nakakabulabog.. pati na rin ang pagiicip ng malupet kung bakit ko cya napanaginipan… sobrang kakaibang araw ang nagawa nito sa akin dahil iniicip ko buong araw kung bakit yun ang scenario sa panaginip ko….
"uy… ano yan ah!? bakit ba nde maging kayo ulit?!" — napakatinding mga kataga na nanggaling sa napanaginipang kaibigan… na cnasabi sa amin.. ewan ko kung bakit.. magkatabi lng nmn kmi na nakaupo tapos nagkekwntuhan nung mga panahon na yun.. tapos biglang sasabhn ng isang friend namin na ganun!? huh!? bakit nmn nasingit!?.. nde ko alam..
bigla na lang akong nagising… parang bangungot!.. simula nun.. nde na natahimik ang pagtulog ko.. kahit na bumalik ako sa pagtulog.. mga every 20 mins nagigising ako.. kaya feeling ko sobrang bagal ng araw.. dahil ilang beses na akong nahihimbing.. ay umaaraw pa rin..
marami dapat akong gagawin ngayon.. ngunit tinamad ako.. kailangan kong magbayad ng tuition.. tapos.. magbayad ng kuryente.. tubig.. phone.. parking fee… at ipapapalit ko pa yung earphones sa parksquare dahil sabog ang right earphone.. sobrang daming kailangan matapos..
tapos na ang mga pahirap sa term na ito.. nakuha ko na rin ang grades ko.. wla nmng bagsak.. at least regular pa.. hay.. sarap pa rin.. tapos ngayon.. tinatamad akong bumangon! tangina! gs2 kong lumabas pero parang ayaw ng katawan ko.. gs2 kong manood ng dvds pero ayaw ng katawan ko.. gs2 kong maglaro ng ps2 pero parang ayaw ko.. gs2 kong magbasa ng book pero tinatamad ako.. ano ba tlga ang nangyayari!? maraming pwedeng gawin para libangin ang aking sarili.. ngunit nde ko magawa dahil sa tinatamad ako… kakaiba ang katamaran… bka nga nde pa ako makapack ng gamit para sa pag-alis ko dahil sa tinatamad ako eh.. sana lang ay nde..
nde pwedeng maging kmi ulit.. dahil nde tlga pwede.. ayaw na cguro nya sakin.. at meron na cyang iba.. heheh.. loser me.. heheh.. at nde na rn ako naghahabol… feeling ko.. tapos na ang lahat.. wla ng balikan.. wla ng look-back–look-back… wla ng undo-undo… wla ng history.. tapos na.. bagong pahina na dapat..
kanina nga nakachat ko pa c deejay.. tinatanong nya kung kumusta na ako.. nde ko lng nasabi sa knya yung napanaginipan ko.. feeling ko kse nde na kmi ganun ka-close para ikwento sa knya yun.. mejo naiilang na rin ako sa knya.. kse parang out of the blue biglang magpaparamdam sa messenger tapos kukumustahin ka.. samantalang dati kapag bday nya.. tatawag pa ako sa knya para lang …….. hay.. nevermind.. napaka bitter nitong paragraph na ito.. pwede bang i-strike na lang to from the record?…
its a very long day today… feeling ko.. sa hinaba-haba ng tulog ko.. wlang napuntahan ang araw ko…
malapit na tlga ang pasko.. nde ko pa rin nafifeel… nde ko man lang nararamdaman na sa linggo.. pasko na… kakatapos ko lng mamigay at tumanggap ng regalo.. (salamat nga pla sa mga nagregalo sakin.. mahal ko kayo.. salamat sa inyo tlaga..)… at sayo rin ella.. na aking walking buddy.. kahit na nde mo ibibigay ang regalo mo sakin ngayon.. ay salamat na rin.. alam mo nmng malamig sa hongkong ngayon.. bakit nde mo pa rin binibigay ang jacket ko.. heheh.. joke lang.. sorry andrew.. dhil keychain lang ang niregalo ko sayo.. pero kung alam mo lng ang hirap na dinaanan namin para lang hanapin yung gs2 mong regalo.. sorry tlga.. babawi ako kapag bumalik ako..
may mga bagay ba tlga na mahirap tanggapin? may mga bagay ba tlga na nde mo kayang itago sa sarili? may mga bagay ba tlga na nde mo kayang ikubli na nanjan pla?… hay buhay.. sadyang mapaglaro…
Posted in Uncategorized | | |
Leave a reply
Categories
- from my other blog (4)
- lyrics (29)
- mga palabas (25)
- mga patalastas (28)
- teleserye (31)
- Uncategorized (3)
Archives
- December 2007
- April 2007
- March 2007
- February 2007
- January 2007
- December 2006
- November 2006
- October 2006
- September 2006
- August 2006
- July 2006
- June 2006
- May 2006
- April 2006
- March 2006
- February 2006
- January 2006
- December 2005
- November 2005
- October 2005
- September 2005
- August 2005
- July 2005
- June 2005
- February 2005
- December 2004
Blogroll
