Recent update

Subscribe to RSS feed

tawanan ang nakaraan

April 25th, 2006 by fountainpen

marami na akong nakachat sa ym at sa msn messenger.. mga kaibgan ko, mga inibig ko, at mga iibigin ko pa lang sana… hahaha!!! marahil nalimutan ko na ang mga nangyari sa amin noon pa.. dahil sa tinagal ng panahon at sa dinami dami ng mga nangyari sa buhay ko noon.. nde ko na matandaan ang ibang mga nangyari sakin — sa amin — sa atin.. kahit na ang pinakamaliit na bagay na ginawa ko sa isang tao ay marahil na nakalimutan ko na ngunit malaking bagay pla ito sa kanya…

humingi ako ng kapatawaran dahil sa nde ko alam ang aking isasagot sa tanong mo na… "natatandaan mo pa ba nun na ____ ?" wla akong maisagot na matino kundi ang… "hinde eh.. ano nga ba yun?"… nakakalungkot na nde ko na maalala ang mga bagay na naaalala mo pa… isang malaking bagay na itinatak mo sa iyong alala na wla sa akin.. dapat ko bang maalala yun.. nasasaktan ba kayo kapag nde nila naaalala ang mga magagandang alala nyo noon?

ngunit napakasarap balikan ang mga magagandang alala na inyong napagdaanan, at tawanan ang mga pangit na alala. pinaguusapan nyo ang inyong nakaraan na para bang binabalikan nyo ang mga taon na pinagsamahan ninyo. at may bonus pa na revelations.. mga sikretong nde pa nabubunyag simula nung araw na iyon.. at ngayon mo lamang nalaman na ito ay tungkol sa inyo.. nakakatuwang isipin na ang mga sikretong patungkol sa iyo ay ngayon mo lamang nalaman at inamin pa mismo ng kaibigan mo… kung iicipin mo.. sayang ang panahon na iyon.. kung nalaman mo lang sana ng maaga… kung nalaman ko lang ng maaga…

iba tayo noon at malaki na rin ang pinagbago nating ngayon… nde na tayo tulad ng dati na bata pa mag-icip at nagkukunwari na maraming alam sa buhay ngunit sa totoo ay wla pa tlga.. na tayo ay mangmang pa lamang at wla pang masyadong alam sa buhay.. nde pa tlga natin alam ang totoong ibig sabihin ng mga gawain natin at nde pa tlga natin sakop ang mga gawain natin ng lubusan… pero dahil sa nakaraan natututo tayo… nakakamit natin ang kamalian na cyang magiging aral natin sa kinabukasan… nde natin kailangan magmarunong… kailangan lang nating subukan.. at malalaman mo rin ang bunga… at ng sa susunod na mauulit ang mga pangyayari ay alam mo na kung ano ang gagawin…

nde na tayo bata ngayon… iba na tlga ang mga buhay natin…. marami ng nagdaan sa buhay mo at buhay ko.. at sa buhay ng ibang mga tao.. nagbago na rin cla.. kahit papano.. masasabi na natin na nag-level up na tayo dahil nde na tayo nahihiyang pagusapan ang mga dating nde natin kayang pag-usapan ng harapan…

nagpapasalamat ako sa inyo at nangyari ito sa akin.. ito sa atin.. kayo sa akin.. ikaw sa akin…

kahit sa maikling panahon na nakapag usap tayo.. nagmistulang taon ang usapan na iyon… halos buong buhay na natin ang napagusapan natin.. maraming salamat..

Posted in teleserye | | |


Leave a reply


Categories

Archives

Meta