Recent update

Subscribe to RSS feed

BEER — by itchyworms

November 17th, 2006 by fountainpen

Nais kong magpakalasing dahil wala ka na
nakatingin sa salamin at nag-iisa
nakatanim pa rin ang gumamelang
binalik mo sa’kin nang
tayo’y magkahiwalay
ito’y katulad ng damdamin ko
kahit buhusan mo ng beer
ayaw pang mamatay

Giliw, wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito’y nawala
nung iniwan mo ako kaya ngayon…

Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na ‘to o ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog dahil olats ako
kahit ano hithitin, kahit tambutso
kukuha ‘ko ng beer at ipapakulo
sa kaldero’t lalanghapin
ang usok nito
lahat ay aking gagawin
upang hindi ko na isiping
nag-iisa na ako

Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na ‘to o ang pag-ibig mo?

Giliw, wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito’y nawala
nung iniwan mo ako kaya ngayon…

Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na ‘to, ang beer na ‘to, ang beer na ‘to,  o ang pag-ibig mo?

Posted in lyrics | | |


One Response to ' BEER — by itchyworms '

Subscribe to comments with RSS

  1.   Coleen said,

    on November 18th, 2006 at 5:06 am

    LSS ba ng malupit?!

Leave a reply


Categories

Archives

Meta