Recent update

Subscribe to RSS feed

akyat ka tapos kaliwa…

April 3rd, 2007 by fountainpen

… nay nay, pano ko ba uumpisahan to?
ganto na lang palagi ang ginagawa ko
naiirita na ako sa sarili ko
ang pangit ng buhay ko

laging sablay
o kaya wlang kulay
minsan gusto kong makalimot sa problema ng buhay
minsan gusto ko lang…. hay…

ang saya ko kapag nakikita kita
lalu na kapag kasama kita
ang saya ko kapag kapiling kita
ganyan lang… gusto kasi kita

naguguluhan kase ako eh
uubra kaya ako kung sasabihin ko sayo na…
kapag nde ko naman nasabe
aabutin ako ng kamatayan, dahil eto ako eh.. mahina…

tanong na malupit
isang sagot mo lng, iyong masambit
kasiyahang madarama’y wlang kapalit
labi kong nakangiti, abot hanggang langit

anong isasagot mo?
hindi ko alam ang sasabihin mo…
anong isasagot mo?
maaari bang umepal sa buhay mo?

Posted in teleserye | | |


Leave a reply


Categories

Archives

Meta